Pages

Tuesday, September 20, 2011

Walang Gutom sa Bukidnon


Pagkain, isa yan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay. Sa buong buhay ng tao, makakakain tayo ng 60,000 hanggang 100,000 pounds ng pagkain(Wolfe Clinic Newspapaer). Sa isang taon naman, ang tao ay makakakain ng 195 pounds ng karne at 707 pounds ng mga gulay at prutas(ito ay ayon sa USDA - United States Department of Agriculture). Hindi puwedeng dumaan ang isang araw nang hindi kumakain. Ganiyan kahalaga ang pagkain sa buhay ng tao. Subalit dahil sa kahirapan at kakulangan sa kakayahang pinansyal, hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw ang mga kababayan nating Pilipino. Wala namang kakulangan sa pagkain, o "food scarcity" kung tawagin ng ilan, dito sa Pilipinas. Ang wala sa mga Pilipinong ito ay ang "power to buy". Dahil nga wala silang pera, hindi sila makabili ng pagkain para sa kanilang mga sarili. Lubos na apektado ang mga Pilipinong nasa urban areas. Dahil kung ikokompara sa mga mahihirap ang buhay sa rural areas, mayroong mga bakuran ang mga ito na maaaring pagtamnan ng gulay at prutas. Kaya naman mas nakakayanan nilang makaraos dito kahit walang pera, ang tanging kailangan lang nila ay mga masisipag na kamay. Ang ideyang "mas maganda ang buhay sa urban areas" ang nang-aakit sa mga taga-rural na magtungo sa mga sentro ng negosyo at komersyo. Ang hindi nila alam, iilan lamang ang pinapalad na magkaroon ng magandang buhay sa metro. Karamihan sa kanila, pagkaraan ng ilang panahon, ay bumabalik sa mga probinsya. Ang ilan naman nais bumalik subalit sa kakapusan ng pera ay wala silang ipapamasahe. Kalunos-lunos ang kalagayan ng isang taong dahil walang pera ay hindi man lamang makabili ng makakain. Tuloy nangangarap ang ilan na "sana magkaroon ng isang lugar kung saan kahit hindi libre ang pagkain, murang-mura naman at sulit pa". Tanung nga ni Baby James sa nanay niyang si Kris Aquino, "What is sulit mommy?", sagot ni Kris, "It's getting more for what you paid for.". Subalit hindi lang isang pangarap ang lugar na kong saan "umaagos ang gatas at honey". Meron isang probinsya dito sa Pilipinas na tiyak hindi ka magugutom. Bakit? Malamang, maraming pagkain! Ipinakikilala ang Bukidnon!

Ang Bukidnon ay isang probinsya sa Rehiyon ng Hilagang Mindanao. Malaybalay City ang kabisera ng probinsyang ito. Pinalilibutan ito ng Misamis Oriental sa hilaga, Agusan del Sur sa kanluran, Davao del Norte sa      Timog, at Lanao del Norte at Lanao del Sur naman sa silangan. Tinatawag na "Food Basket ng Mindanao" ang Bukidnon. Bakit? Ito lang naman kasi ang pangunahing producer ng palay at mais sa buong rehiyon ng Hilagang Mindanao at sa buong Mindanao mismo. Kabilang sa mga inaani rito ay mga pinya, saging, tubo, niyog at durian. Ang buong Bukidnon ay may total land area na sampung libo at limang daang kilometro kuwadrado. Meron naman itong populasyon na halos isang milyon at dalawan daang libo. Pang dalawampu't isa ang rangko nito mula sa walompung probinsya sa Pilipinas kung ang pababasehan ay sa populasyon. Ang dalawang pinaka-kilalang landmarks nito ay ang Mt. Katinglad at Pulangi River. Ang Mt. Katinglad ay may taas na halos tatlong libong metro mula sa sea level. Ang Palangi River naman ay dumudugtong sa kilalang Rio Grande Mindanao. 

Edukasyon sa Bukidnon. Marami kang puwedeng mapasukan na paaralan dito sa Bukidnon. Andiyan ang: Bukidnon State University, Central Mindanao University, San Isidro College, Mountain View College, Valencia Colleges, San Augustin Institute of Technology, Mindanao Arts and Technological Institute, Philippine Computer College, Philippine College Foundation, STI Learning Center, AMA Computer Learning Center, Don Carlos Polytechnic University, Maramag Polytechnic University at St. James School of Science and Technology. Karamihan sa mga eskwelahang ito ay matatagpuan sa Vanlecia City at Malaybalay City. 

Mga Piyesta sa Bukidnon. Ang pinakakilalang piyesta sa Bukidnon ay ang Kaamulan Festival. Ito ay ginaganap bilang pag-alala sa pagtatatag sa Bukidnon bilang isang probinsya noong taong 1917. 

Bakit Walang Gutom sa Bukidnon. Nabubuhay ang ekonomiya ng Bukidnon dahil sa agrikultura. Ito ang pangunahing nagsusupply ng mga produktong tulad ng: palay, niyog, mais, kape, pinya, rubber, saging, kamatis, kamote, kamoteng kahoy at marami pang iba. Dahil sa mataas ang supply ng gulay at prutas sa lugar, kaya pagdating ng mga ito sa merkado ay sobrang mura. Halos kalahati nga ang presyo nito kung ikokompara sa metro.

Kung nais mong pumunta rito, mag-email lang sa akin. Bibigyan ka namin ng apartment for rent, libre ang una mong buwan rito, kaya avail na!

1 comments:

Unknown said...

salamat po

Post a Comment